Thursday, February 28, 2008

Peace man

Makibaka, wag matakot !!!

Makibaka...
Dapat siguro una nating bakahin ang
demonyo d2 sa sarili nating mga puso;
Wag Matakot
sapagkat ito lamang ang
tamang landas para sa pagbabago.
Hanggang di tayo
natututo...
Paulit-ulit na lamang
ang mga ganitong eksena.

Nagiging katawatawa na tayo
sa mga mata ng ating mga kapitbansa,
papayagan na lang ba natin na maging
isang "banana republic" ang tingin nila sa atin?
Dapat umiral ang rule of law at
sanay wag tayong padala sa mga sulsol
at gumawa ng mga aksyon na padalosdalos...

Dapat natin ugatin ang dahilan ng mga gulo
Timbangin ang magkabilang panig,
Hindi ang kudeta o pagresign ng pangulo
ang tamang kasagutan sa ating mga problema,
Napatunayan na ito ng dalawang edsa...
Kailan kaya tayo matututo?

Sa mga taong puno ng galit ang mga puso...

Peace man !!!

Friday, February 15, 2008

NBN issue atbpa

Hay naku...

Anong gulo na naman 'yan?

Tila wala ng katapusan ang sarswela sa senado,

kanya kanyang pa-cute sa camera,

kanya kanyang pasiklaban...

kayo ano sa palagay nyo?

me mangyayari ba dito sa imbestigasyong ito ng senado?

Ang anti-ate glo ay masigla na naman sa gitna ng zte scandal;

Laganap na naman ang ate glo resignation rally,

It's becoming a vicious cycle...

Ang pulitika natin ay nagiging isang

masamang panaginip ng mga pinoy.

Wala na tayong naging magaling na presidente,

At wala ng magiging

sa darating na hinaharap.

Bakit?

Isipin mo ilan malamang ang tatakbong presidente 2010?

Sino ba palagay mo tatakbo pagka presidente?

Lacson? Legarda, Noli, Villar, Roxas, atbpa...

whew, so pagnanalo ka

it means your a minority president, wow!

Kauupo mo pa lang

kailangan mo ng mag referee!

Daig pa sa hinalong kalamay ang politika sa atin...

Resulta ng multi party system sa isang presidential form of government.

Ang multi party system ay angkop sa parlimentary form,

At ang presidential ay dapat 2 party system dahil

ang presidential ay nakasalalay sa isang malakas na pangulo.

So palagay mo, papatuin ko...

hehehe