Thursday, February 28, 2008

Peace man

Makibaka, wag matakot !!!

Makibaka...
Dapat siguro una nating bakahin ang
demonyo d2 sa sarili nating mga puso;
Wag Matakot
sapagkat ito lamang ang
tamang landas para sa pagbabago.
Hanggang di tayo
natututo...
Paulit-ulit na lamang
ang mga ganitong eksena.

Nagiging katawatawa na tayo
sa mga mata ng ating mga kapitbansa,
papayagan na lang ba natin na maging
isang "banana republic" ang tingin nila sa atin?
Dapat umiral ang rule of law at
sanay wag tayong padala sa mga sulsol
at gumawa ng mga aksyon na padalosdalos...

Dapat natin ugatin ang dahilan ng mga gulo
Timbangin ang magkabilang panig,
Hindi ang kudeta o pagresign ng pangulo
ang tamang kasagutan sa ating mga problema,
Napatunayan na ito ng dalawang edsa...
Kailan kaya tayo matututo?

Sa mga taong puno ng galit ang mga puso...

Peace man !!!

No comments: