Thursday, February 16, 2012

Impeachment Trial ni Corona

Dapat bang ma-impeach si Corona dahil sa hindi siya kursunada ni Pnoy? Malaki ang galit ni Pnoy kay Corona katunayan ng manumpa siya bilang pangulo ay kay Associate Justice of the Supreme Court of the Philippines Conchita Carpio-Morales imbes kay Corona na syang chief justice, tulad ng naka ugalian.

Saan ba nag ugat ang tila matinding galit na ito ng pangulo? Dahil ba kay Gloria? Hindi?! E, ano?

Hacienda Luisita, wala ng iba... Hindi ito nagalaw ng "Repormang Agriyaryo ni Marcos kahit nuong martial law years, at nang maupo si Cory ay agad nitong pinatigil ang kasong isinampa ni Marcos at agarang inindorso ang stock option upang mapanatili nila ang hawak dito.

Pero sa kasamaang palad, si GMA na inendorso pa ni Cory matapos ang Edsa Revolution2 ay biglang liko sa Hacienda Luisita, at sa desisyon ng Korte Suprema na pinamumunuan ni Corona ay tahasang binalewala ang stock option at ipinag utos ang pamamahagi nito. Agarang namang inalis ang basbas kay GMA at agad pinamunuan ang GMA resign, at kung anu-anong akusasyon ng katiwalian laban dito.

Ngayon, nakakulong si GMA at iba pang kapanalig, at sa bibig ni Pnoy na rin nanggaling, si Corona ang tinik ng kanyang "TUWID na DAAN!

Sabi nga ni Erap " weather,weather lang "

No comments: